IPINAKALAT na sa buong Davao City ang mahigit walong libong security forces para sa pagdiriwang ng Araw ng Davao na magsisimula na ngayong araw.
Kabilang sa mga ideneploy ang mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Davao City Police Office, Bureau of Fire Protection, Task Force Davao at mga barangay tanod.
Ito ay upang matiyak na maayos, mapayapa at ligtas ang mga dabawenyo sa isang buwan na selebrasyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng backpacks, baril at pagkakalat sa lansangan.
Ipinagbabawal din ang pagdadala ng matutulis na bagay, pag-iinum ng nakalalasing na inumin at paninigarilyo sa pampiblikong lugar.
Inabisuhan din ang mga Dabawenyo na huwag magdala ng maliliit na bata sa anumang mga aktibidad.