MAHIGIT-kumulang sa 400 atleta ang ipadadala ng Pilipinas sa nalalapit na 19th Asian Games ngayong September 23 hanggang October 8 sa Hangzhou, China.
Ayon ito kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino.
Inaasahan namang pangungunahan nina Hidilyn Diaz, Eumir Marcial, EJ Obiena, Carlos Yulo, at Alex Eala ang Pilipinas sa Asian Games.
Ang Asian Games ay magsisilbing qualifier para sa 2024 Paris Olympics.