Mahigit P10.2M halaga ng tanim na marijuana nadiskubre at sinira sa Sulu

Mahigit P10.2M halaga ng tanim na marijuana nadiskubre at sinira sa Sulu

NADISKUBRE at sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P10.2M halaga ng full-grown marijuana plants sa Sulu.

Katumbas ito ng halos 12K (11,950) na tanim na marijuana sa 2K (1,950) square meters na plantation site sa Brgy. Pitogo, Caluang.

Sa nakalap na impormasyon ng PDEA, ang naturang plantation ay inalagaan ng isang suspek na kinilala bilang alias Mahdi, na wala sa lugar nang isagawa ang operasyon.

Nahaharap naman si alias Mahdi sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble