Mahigit P100-K halaga ng shabu, nasabat ng Taguig PNP mula sa Oplan Galugad

Mahigit P100-K halaga ng shabu, nasabat ng Taguig PNP mula sa Oplan Galugad

AABOT sa mahigit isang daang libong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Taguig City Police Substation 9.

Sa pamamagitan ng Oplan Galugad na ginawa ng mga awtoridad sa Magsaysay St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City nahuli ang suspek na kinilalang si Andal Lingga, 21-taong gulang.

Nakuha sa suspek ang hinihinalang shabu na binalot sa isang plastic wrapper na may bigat na humigit-kumulang 22 gramo na may standard drug price na aabot sa P152,320.

Ang nasabat na iligal na droga ay itinurn-over sa PNP Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative at qualitative analysis.

Habang ang suspek naman ay nasa kostudiya na ng Taguig City Custodial Facility, kasong paglabag sa Sec. 11 Art II ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter