BAD news sa mga motorista! magkakaroon ng panibagong taas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya ng mga oil companies, maaaring tataas ng mahigit piso ang kada litro ng gasolina.
Posible rin tataas mula P0.50 hanggang P0.70 ang kada litro ng diesel habang P0.60 hanggang P0.70 ang kada litro ng kerosene.
Ang naturang oil price hike ay magiging epektibo sa araw ng Martes.
Iaanunsyo naman ng mga kumpaniya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw.