Mahusay na access sa trabaho at edukasyon, inaasahan kapag natapos na ang Samal-Davao Bridge

Mahusay na access sa trabaho at edukasyon, inaasahan kapag natapos na ang Samal-Davao Bridge

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na makatutulong ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project para paunlarin ang lungsod.

Potensyal na pang-ekonomiya ng lungsod partikular ng Island Garden City of Samal.

Ito ang isa sa naging mensahe ni Pangulong Marcos kasabay ng pangunguna nito sa groundbreaking ceremony ng naturang proyekto sa Davao City ngayong araw.

Dagdag pa ni PBBM, kapag nakumpleto na ang bridge project na ito, mapapahusay rin ang access ng mga residente nito sa trabaho, edukasyon at iba pang serbisyo.

Magbibigay rin ito ng mas madaling pag-access sa mga tourism spot at matiyak ang mabilis na pagrekober mula sa epektong dulot ng pandemya.

Naniniwala rin si Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng Samal-Davao Bridge project, ay mas mapapabuti pa ang peace and order situation sa lugar.

Bukod dito, matitiyak din ang mas mabilis at mas mahusay na pamamahagi ng tulong sa panahon ng kalamidad.

 

Follow SMNI News on Twitter