Pastor Apollo C. Quiboloy pinuri ng Climate Change Commission dahil sa adbokasiya nito para sa kalikasan; Tamayong Prayer Mountain, kinilala

Pastor Apollo C. Quiboloy pinuri ng Climate Change Commission dahil sa adbokasiya nito para sa kalikasan; Tamayong Prayer Mountain, kinilala

WALA nang tatalo pa kay Pastor Apollo C. Quiboloy pagdating sa pangangalaga ng kalikasan.

Kaya naman hindi na nakapagtataka ang pagkilala na ginawad ng Climate Change Commission kaugnay sa pagtatag ng butihing Pastor sa Tamayong Prayer Mountain.

Sino ang makapagsasabi na may makikita kang ganitong kagandang lugar sa Davao City?

Sa isang tingin mo pa lang ay aakalain mo nasa ibang bansa ka.

Ngunit ang hindi alam ng marami sa ating mga kababayan, dito rin makikita ang malalaking bulto ng tanim ng mga pine trees sa buong Davao City at marahil sa buong Pilipinas – ang Glory Mountain.

Kaya naman hindi nakapagtataka ang ginawang pagkilala kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Climate Change Commission.

“Ang aming tanggapan sa Climate Change ay nagbigay ng isang recognition dahil sa kaniyang leadership sa ginawang transformation ng dating kalbo at panot na bundok ay natransform ay biodiversified tourist area,” pahayag ni Dela Cruz.

“This Certificate of Recognition has been given for what we have done for Glory Mountain and they will be going there to count all the trees for carbon credits and to be sent to the UN and at the same time I am an Ambassador for Peace, so this is our advocacy also from the BBM tigers recognizing our efforts for nation building” ayon kay Pastor Apollo.

Early 2000s nang simulan ni Pastor Apollo ang programa nito sa Glory Mountain na matatagpuan sa Tamayong, Calinan, Davao City.

Ang dating kalbong bundok sa paanan ng Mt. Apo ay maituturing nang carbon sink mountain.

Kaya naman tutungo ang Climate Change Commission upang bilangin ang libu-libong puno na naitanim sa Glory Mountain na pinamunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na isang ‘Champion for Environment’.

“Kami po ay tutungo sa kabundukan ng Glory Mountain, mabilang yung mga puno para magkaroon ng carbon accounting at ito ay maging magandang halimbawa na ang isang kalbong bundok ay ngayong isang kapaki-pakinabang carbon sink mountain” saad ni Dela Cruz.

Samantala, binisita si Pastor Apollo ng ilang malalapit niyang kaibigan mula sa pamahalaan.

Nagkaroon ng pagkakataon sina Pastor Apollo at Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na mag-usap nang malaliman ukol sa mahahalagang isyu sa bansa.

“I’m always glad to talk to the immortal Secretary Juan Ponce Enrile, he is like a history book walking and talking. History from Europe, from America to Asia, lahat ng klase parang siya yung mapa at alam niya ang lahat ng nangyayari so I am really glad to talk to him. Parang nasa history class ka, talagang nakikita mo ang history so anyway he will be lending me a book, about geopolitics of China, of their plans of conquest until 2049 and also the different kind of revolution so marami siyang books ipahihiram sa akin and I’m so glad that Juan Ponce Enrile who is 99 years old is still very, very lucid. The memory is very, very wonderful, masarap makipagkausap sa kaniya,” ayon sa butihing Pastor.

Binisita rin si Pastor Apollo ng kaniyang malapit na kaibigan na si Senador Bong Revilla.

 “Senator Bong Revilla is a good friend so when he knew I was here he came by and he has another scheduled to go but he came by, we had dinner together, we talked about the things that are happening, current issues,” ani Pastor Apollo.

“Before pandemic pa nung huli kami nagkausap kaya humingi ako ng appointment para madalaw ko naman siya at least nandito siya sa Manila ngayon. One of these days bibisitahin ko din siya sa Davao, he is a very close friend of mine at talaga isa siyang tunay na kaibigan,” sabi ni Revilla.

 

Follow SMNI News on Twitter