Ragay & Sipocot, Camarines Sur — Mainit na sinalubong ng mga residente ng Ragay at Sipocot, Camarines Sur ang DuterTEN Senate Slate sa kanilang isinagawang motorcade ngayong araw. Sa kabila ng hamon ng panahon, hindi natinag ang mga tao sa paglahok at pagpapakita ng suporta sa mga kandidato.
Libu-libong tagasuporta ang pumila sa mga lansangan habang dumaraan ang motorcade. Sabik nilang kinamayan at kinunan ng litrato ang mga senatorial candidates, na bitbit ang mensahe ng pagbabago, s
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng malawakang kampanya ng PDP Laban DuterTEN slate sa rehiyon ng Bicol, layuning makausap ang mga mamamayan sa grassroots level at maipaliwanag ang mga pangunahing adbokasiya ng partido — kabilang ang seguridad, edukasyon, ayuda sa mahihirap, at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.