Mainit na pagtanggap sa Lebak: Pastor Quiboloy, tinangkilik sa PDP-Laban Motorcade at Rally

Mainit na pagtanggap sa Lebak: Pastor Quiboloy, tinangkilik sa PDP-Laban Motorcade at Rally

LEBAK, SULTAN KUDARAT — Ramdam ang init ng suporta ng mga taga-Lebak sa pagdating ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ngayong araw, Mayo 3, 2025, para sa isang motorcade at campaign rally sa ilalim ng partidong PDP-Laban DuterTEN.

Maayos at mataimtim ang naging pagtanggap ng mga residente habang dumaraan ang convoy ni Pastor Quiboloy, na kilala sa panawagan nitong “Ayusin Natin ang Pilipinas.” Muling inilatag sa rally ang kanyang mga plataporma — kabilang na ang moral leadership, anti-corruption, at serbisyo para sa masa.

Hindi rin nagpahuli ang suporta mula sa mga lokal na kandidato ng PDP-Laban, na kasama sa pagtitipon upang ipakita ang pagkakaisa ng pambansa at lokal na kampanya.

Ang pagtitipon sa Lebak ay isa lamang sa sunod-sunod na mga aktibidad ng DuterTEN sa rehiyon ng Mindanao — na layuning palakasin ang presensya at panawagan para sa tunay na pagbabago sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter