Poblacion, Impasug-ong, Bukidnon — Hindi napigilan ng malakas na ulan ang mga taga-Impasug-ong sa pagpapakita ng kanilang suporta para sa PDP-Laban Team DuterTen at sa mga lokal na kandidatong pinangungunahan ni mayoral candidate Ondo Uy. Kasama rin sa pagtitipon ang kanyang mga kasamahan na tumatakbo bilang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga lider na may tunay na malasakit at pagmamahal sa bayan, lalo na sa mga katutubo.
Kilala ang Impasug-ong bilang IP Capital ng Bukidnon, kaya hindi rin nakapagtataka ang taos-pusong suporta ng komunidad kay Pastor Apollo C. Quiboloy, tagapagtatag ng United Indigenous People’s Heritage of the Philippines (UniPhil) — isang organisasyong naglalayong pag-isahin ang lahat ng katutubong grupo sa bansa.