PAPARANGALAN si Filipina Actress TV Star Maja Salvador sa 2023 Eastwood City Walk of Fame.
Ayon sa mga organizers ng nasabing parangal, nararapat lamang si Salvador para dito dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa pelikula at maging sa TV drama.
Samantala, kabilang din sa mabibigyan ng parangal si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, singer Janet Basco, dancer na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero, journalist na si Mario Dumaual, at broadcaster na si Gerry Baja.
Ang Eastwood City Walk of Fame ay itinaguyod ng namayapang si German Moreno at mula noon ay aabot na sa mahigit 300 na mga personalidad mula sa iba’t ibang larangan ng sports, TV, pelikula at balita ang nabigyan ng parangal.