Majoy Baron, Maddie Madayag at iba pa, posibleng maglalaro sa Korean V-League

Majoy Baron, Maddie Madayag at iba pa, posibleng maglalaro sa Korean V-League

KASALI ang apat na mga Pinay volleyball player sa 2024-25 Korean V-League Asian Quota Draft.

Ang mga ito ay si Alyssa Solomon ng National University na kasalukuyang naglalaro pa sa UAAP Season 87; at Majoy Baron ng PLDT High Speed Hitters.

Kasama rin sina Mars Alba at Maddie Madayag ng Choco Mucho Flying Titans.

Si Solomon ay nauna nang nagsabi na huling taon niya na para sa NU ngayong 2025.

Si Madayag naman ay kasalukuyang naglalaro para sa Kurobe Aqua Fairies ng Japan SV. League.

Sina Alba at Baron ay naglalaro pa para sa kani-kanilang teams lalo na’t pasok sa quarterfinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference ang Choco Mucho at PLDT.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble