Makabagong training approach at management agenda, isinusulong ng BuCor

Makabagong training approach at management agenda, isinusulong ng BuCor

NAKATAKDANG ilunsad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isang programa para sa mga personnel nito na naglalayong isulong at palakasin ang training management para sa mga correction officers at trainees.

Nilinaw ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na partikular sa kanilang isusulong ang new Training Approaches and Management Agenda (TAMA) program na ipatutupad sa lahat ng Corrections National Training Institutes sa buong bansa.

Layunin aniya nito na i-promote ang well-programmed training na magreresulta sa isang globally competent personnel officers na inaasahang magiging de kalibreng leaders sa mga darating na panahon.

Nais aniya ng BuCor na itanim sa kanilang mga new generation officers na bigyang importansiya ang value formation dahil kahit anong talino o galing ng isang tao pero kung wala itong sapat na values ay mababalewala ang lahat ng ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble