Makati City kasama sa 2022 Urban Governance Exemplar Awards

Makati City kasama sa 2022 Urban Governance Exemplar Awards

KASAMA ang Makati City sa listahan ng 2022 Urban Governance Exemplar Awards dahil sa programa at inisyatiba ng lungsod na naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at pagbibigay ng awareness sa publiko patungkol sa climate change at social and environmental issues.

Pinuri din ang lungsod dahil sa mataas ng rating pagdating sa Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Council, at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children.

Maliban sa parangal ay tumanggap din si Makati City Mayor Abby Binay ng P300,00 cash price para sa mga achievements ng nasabing lungsod.

Matatandaan pinarangalan ang Makati City ng tatlong parangal mula sa Department of Finance’s Bureau of Local Government Finance (BLGF) dahil sa pagiging Top Performing LGU sa bansa noong 2021.

 

Follow SMNI News on Twitter