Makati City, level-up na sa fire suppression gamit ang smart robots

Makati City, level-up na sa fire suppression gamit ang smart robots

PINANGUNAHAN nina Mayor Abby Binay at Congressman Luis Campos ang ceremonial turnover ng tatlong unit ng Rosenbauer Smart Firefighting Robots sa Makati City Hall Quadrangle nitong Huwebes, ikalimang araw ng Hunyo.

Ayon kay Mayor Abby, makatutulong ang mga makabagong robot na ito sa mga operasyon ng lungsod sa pagsugpo ng sunog at pagresponde sa mga sakuna, lalo na sa mga insidenteng nagaganap sa mga gusaling komersyal, saradong espasyo, at iba pang kumplikadong emergency.

Ang Rosenbauer Smart Firefighting Robot ay kilala sa kakayahang pumasok sa mapanganib na lugar na hindi agad kayang pasukin ng mga bumbero, kaya’t malaking tulong ito para mapabilis at maging mas ligtas ang mga operasyon ng rescue at fire suppression.

Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Makati sa pagpapalakas ng kanilang disaster response capabilities bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa isang ligtas, matatag, at makabagong lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble