KINILALA ang Makati City bilang “local champion” para sa Local Anti-Drug Coalitions ng Pilipinas.
Dahil ito sa hindi matatawarang suporta at programa ng lungsod sa pagpuksa ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang naturang pagkilala ay isa ring patunay na nakikiisa ang lahat sa kanyang lungsod na pinamamamahalaan hinggil dito.
Sa kabilang banda, maliban sa pakikiisa kontra iligal na droga, patuloy rin na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang global organizations ang Makati.
Bilang paraan aniya ito ng lungsod tungo sa pagkakaroon ng epektibong climate mitigation practices.
Sa isinagawang presentation and discussion of key findings ng World Bank kamakailan hinggil dito, sinabi ni Mayor Abby na umaasa siya na maging model city ang Makati sa resilience at sustainability sa buong National Capital Region dahil sa pakikipag-ugnayan na ito sa maraming grupo.