Makati Eagles Central Business Region, bukas sa collaboration kay PBBM at private sector

Makati Eagles Central Business Region, bukas sa collaboration kay PBBM at private sector

MAGIGING mas malawak na ang tulong na maipapaabot ng Makati Eagles para sa mga nangangailangan kasunod ng chartering nito bilang Central Business Region na ginanap sa Manila Hotel.

Ayon kay Erwin Torrefiel, governor ng Makati Central Region bilang isang organization katuwang sila ng pamahalaan para sa pagpapaabot ng ayuda sa mga nangangailangan gaya ng biktima ng kalamidad at pagtugon sa malnutrisyon.

Bukas para sa lahat ang Makati Eagles Club basta’t pasok ito sa mga pamantayan ng organisasyon.

Samantala, nagbigay naman ng kaniyang pahayag ang miyembro ng Eagles Club mula Thailand kaugnay sa unang taon ni Pangulong Marcos sa panunungkulan.

Maging ang mga kababaihan maari ding makilahok sa ganitong klaseng organisasyon na layong makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Makati Lady Eagles Club.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter