Makati Mayor Binay, pinuri ang isang 52 years old na nagsusumikap sa kanyang pag-aaral

Makati Mayor Binay, pinuri ang isang 52 years old na nagsusumikap sa kanyang pag-aaral

PINURI ni Makati Mayor Abby Binay ang isang transport network vehicle service (TNVS) driver dahil sa pagsisikap na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang edad.

Kinilala ang nasabing driver na si Benjie Estillore, 52 years old Grade 12 student sa Benigno Noynoy Aquino National High School.

Ayon kay Benjie, isa sa humikayat sa kanyang mag-aral muli ay ang kanyang asawa na isang guro sa Rizal Elementary School sa Makati.

Aniya na ang edukasyon ay isang powerful tool para maging matagumpay.

Nagpasalamat naman si Benjie kay Mayor Abby Binay dahil sa libreng uniporme, sapatos, medyas at iba pa, hinikayat din niya ang mga local chief executives na tularan ang pamumuno ni Binay.

Samantala, nangako naman ang alkalde na patuloy na susuportahan ng lungsod ang mga Makatizens sa pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Follow SMNI NEWS in Twitter