Malacañang, ipinag-utos na suportahan ng mga gov’t agency ang 2 int’l tournaments ng PNVF

Malacañang, ipinag-utos na suportahan ng mga gov’t agency ang 2 int’l tournaments ng PNVF

IPINAG-utos na suportahan ng mga government agency ang 2 international tournaments ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ng Malacañang.

Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isang memorandum circular.

Naglalaman ito ng pagsuporta ng Malacañang sa pagiging host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa 2 major international tournaments.

Sa naturang memo, nakasaad ang utos ni Pangulong Marcos sa mga kaakibat na government agencies na suportahan ang 2 aktibidad.

Ang Volleyball Nations League ay gaganapin sa July 4 – 9, 2023 sa Mall of Asia (MOA) Arena habang ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge ay gagawin sa November 30 – December 3, 2023 sa Taguig City.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni PNVF President Ramon Suzara sa suportang ipinakita ni Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter