PATULOY na lumalawak ang suportang nakukuha ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy mula sa iba’t ibang sektor sa bansa.
Lahat sila, saludo at hanga sa dedikasyon ni Pastor Quiboloy, lalo na’t para sa kapakanan ng mga mahihirap ang mga programa nito para sa pag-unlad ng bansa.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI kay Philippine National Anti-Crime Group, National Chairman Armando Alaska, ibinahagi nito ang kanyang matagal nang paghanga sa mga adhikain ng Butihing Pastor, lalo na sa paglaban nito sa problema ng korapsyon sa bansa, ilegal na droga, at kriminalidad.
“Nakita ko ‘yung pagmamahal niya sa bayan natin, kalikasan,” saad ni Mr. Arman Alaska, Chairperson, Philippine National Anti-Crime Group.
Sa likod anila ng mga panghuhusga at akusasyon para dungisan ang pagkatao ng Butihing pastor, naniniwala ang grupo ni Alaska na biktima lamang si Pastor Quiboloy ng mga gawa-gawang alegasyon.
“Baluktot ‘yung batas natin ngayon,” dagdag ni Alaska.
Senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, biktima ng maling akusasyon—anti-crime group
Samantala, kasing tapang aniya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at may malasakit din sa bayan.
Ito naman ang tinuran ni Philippine National Anti-Crime Group, CALABARZON at MIMAROPA Regional Commander Regino Bautista sa panayam ng SMNI sa kanya.
Aminado si Bautista na muntikan na siyang madala sa mga paninira sa mga balita at artikulo laban kay Pastor Quiboloy. Ngunit nang makausap niya ang mga kinatawan ng butihing pastor, saka lamang naliwanagan at naunawaan ang lahat.
Para sa isang pihikan at istriktong tao, aminado si Bautista na hindi siya basta-bastang naniniwala at sumusuporta sa tao o politiko, pero buo aniya ang kanyang loob na suportahan si Pastor Apollo C. Quiboloy sa laban nito hanggang sa Senado.
“Isang karangalan na makapagbigay ng komento para sa kandidatura ng ating mahal na Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon kay Mr. Regino Bautista, Regional Commander, Philippine National Anti-Crime Group – Region 4A & 4B.
Senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, nakitaan ng tapang at malasakit sa bayan gaya ni FPRRD
Nang kaniyang mapagtanto, malaki ang pagkakahawig ni Pastor Quiboloy kay dating Pangulong Duterte sa tapang, malasakit, at dedikasyon nito para sugpuin ang korapsyon, ilegal na droga, at kriminalidad sa bansa.
Sa huli, tiniyak ng nasabing grupo ang kanilang isandaang porsyentong suporta ng kanilang mga miyembro hindi lang sa Hilagang Luzon kundi sa buong bansa para sa pagkapanalo ni Pastor Quiboloy.
“Pastor, andito lang po kami anuman ang mangyari. Mas matatag na lalaban kung andiyan ka na, mas matatag para sa amin,” giit ni Bautista.
“Pastor, katulad mo ang isang babae na nanganganak… nasa labor pain, medyo masakit pero magtiwala ka lang. Kung may isang tunay na lingkod ng Diyos, malilinis ‘yan,” aniya.
Follow SMNI News on Rumble