Malaking civil group sa bansa, solid para sa kandidatura ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

Malaking civil group sa bansa, solid para sa kandidatura ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

NAGPAHAYAG ng solidong suporta ang Civil Force Alliance Philippines para sa kandidatura ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Para sa grupo, nakikita nila na anila’y simbolo ng katatagan mula sa tahasang pang-aapi, paniniil, at pagbusal sa karapatan ng maraming Pilipino mula sa kamay ng mga tiwaling pulitiko.

At dahil sa sinapit ni Pastor Apollo, minsan nang naitanong sa kanyang sarili kung may hustisya pa ba ang gobyernong ito dahil sa kalupitan nito sa mga mahihina at walang kalaban-labang Pilipino.

Pero sa kabila nito, hindi ito naging hadlang para ibigay ang kanilang buong respeto at suporta kay Pastor Apollo hanggang sa mailuklok ito sa Senado.

Sa kabilang banda, aminado rin si Armando Alaska ng National Anti-Crime Group of the Philippines na kritikal ang halalan ngayong taon.

Para sa kanya, mahalaga ng kanyang boto hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga anak niya at sa susunod pang henerasyon.

Giit nito, hindi niya kakayanin na malugmok sa kahirapan at malagay sa alanganin ang kinabukasan ng mga kabataan kung hindi mababago ang sistemang politikal sa bansa.

Isang sentimiyento na sumasalamin sa milyun-milyong Pilipino na naghahangad ng totoong pagbabago para sa bansa.

Walang ama o magulang na pababayaan ang kaligtasan ng mga anak.

Sa huli, muling pinatunayan ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy na sabik rin ang maraming pilipino sa tunay na pagbabago

Makikita sa mata ng maraming dumalo ang kanilang pananabik na mayroon palang isang Pastor Apollo C. Quiboloy na kayang pagsabayin ang mga programang, polisiya at mga batas na para sa mamamayang Pilipino

Habang ang maraming pulitiko ay nangako palang, si Pastor Apollo, mayroon nang nagawa at may magagawa kung mailuluklok ito sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter