Malaking taas-presyo ng langis, nakaamba ngayong linggo

Malaking taas-presyo ng langis, nakaamba ngayong linggo

ABISO para sa mga motorista! Nakaamba ngayong linggo ang malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa tansya, aabot ng hanggang piso at dalawampung sentimos ang maaaring dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina habang nasa siyamnapung sentimos hanggang piso at sampung sentimos sa diesel.

Ayon sa Department of Energy, ang mga pandaigdigang isyu tulad ng parusang ipinataw ng Estados Unidos sa Iran; patuloy na pag-atake ng Russia laban sa energy facilities ng Ukraine; maging ang banta ng Estados Unidos na magpatupad ng taripa sa mga bansang bumibili ng langis mula Venezuela ang dahilan ng taas-presyo.

Magiging epektibo ang taas-presyo bukas, April 1, 2025.

Ito na ang ikalawang linggo na mayroong price hike sa mga produktong petrolyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble