Malalakas na thunderstorm at pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa—PAGASA

Malalakas na thunderstorm at pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa—PAGASA

INAASAHANG makararanas ng mga pag-ulan at thunderstorm ang ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes dahil sa epekto ng Easterlies at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa 24-hour public weather forecast ng PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon; Visayas, Bicol Region, at Quezon; Cagayan Valley at Aurora; at Mindanao.

Babala sa publiko, parating mag-ingat at bantayan ang malalakas na thunderstorm na maaaring magdulot ng flash floods o landslide sa panahon ng matinding pagbuhos ng ulan.

Mga Apektadong Lugar at Kondisyon ng Panahon:

*Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon:

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng localized thunderstorm.

*Visayas, Bicol Region, at Quezon:

Maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dulot ng Easterlies.

*Cagayan Valley at Aurora:

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm, dulot pa rin ng Easterlies.

*Mindanao:

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated na pag-ulan o thunderstorm dulot ng ITCZ.

Samantala, sa buong bansa, inaasahan naman ang banayad hanggang katamtamang hangin mula timog-silangan hanggang timog.

Katamtaman din ang taas ng alon sa mga baybaying-dagat na nasa 0.6 to 1.8 meters.

Paalala naman mula sa PAGASA, maging alerto sa mga babala ukol sa panahon. I-monitor ang lagay ng panahon lalo na kung nasa mga lugar na madaling bahain o mga landslide-prone areas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble