Malawakang flight cancellations, nagpapatuloy sa Haneda Airport kasunod ng malagim na ‘plane collision’

Malawakang flight cancellations, nagpapatuloy sa Haneda Airport kasunod ng malagim na ‘plane collision’

LIBU-LIBONG pasahero ang naapektuhan kasunod ng malaking bilang ng kanselasyon ng mga flight sa Haneda Airport sa Tokyo dahil sa nangyaring banggaan ng mga eroplano sa runway nito.

Ang kanselasyon ay sa gitna ng maraming bilang ng indibidwal na nagnanais na makauwi sa kanilang bansa sa New Year Holiday.

Kahit na tatlo sa apat na runway sa Haneda ang bumalik na sa operasyon, aabot naman sa isandaang flights na orihinal na naka-iskedyul para sa departure at arrival ang nakansela na nakaapekto sa labing siyam na libong manlalakbay.

Ang insidente ay nangyari matapos na magkabanggaan ang eroplano ng Japan Airlines sa isang coast guard plane sa paliparan noong Martes.

Lima sa anim na katao na sakay ng eroplano ng coast guard ang nasawi kung saan nakaligtas nga ang kapitan ng eroplano pero ngayon ay nasa malalang sitwasyon dahil sa mga sugat na natamo nito.

Matapos ang banggaan, ang dalawang aircraft ay nasunog sa runway na nagdulot naman ng malaking usok sa paliparan.

Ang tatlundaan at pitumput siyam na katao na sakay ng Japan Airlines na Airbus A-350 ay ligtas na nakaalis ng eroplano pero labing apat na katao ang nagtamo ng sugat.

Samantala, naglunsad naman ng imbestigasyon ang Japan transport safety board sa nangyaring aksidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter