Malaysia, nakatakdang maging miyembro ng BRICS economic group

Malaysia, nakatakdang maging miyembro ng BRICS economic group

NAKATAKDA nang sasali ang Malaysia sa BRICS economic group ayon kay Prime Minister Anwar Ibrahim.

Kasunod na rin ito sa pagpapalawak ng kanilang membership kasama ang Saudi Arabia, Iran, Ethiopia, Egypt, Argentina, United Arab Emirates, at mahigit 40 pang bansa na nagnanais makapasok sa naturang economic group.

Sa Southeast Asia, kasali sa interesado sa BRICS ang Indonesia, Thailand, Myanmar, Laos, at Cambodia.

Orihinal na miyembro ng BRICS ang mga bansa tulad ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter