POSIBLENG may mali sa prioritization at distribution ng COVID-19 vaccines.
Ito ang nakikitang dahilan ni Senator Francis Tolentino kung bakit marami ang nasayang na bakuna.
Aniya, maaaring may ibang lugar na hindi dapat mabigyan ng maraming suplay o kaya’y hindi dapat agad nabagsakan ng bakuna.
Maaari din aniyang sa A1, A2 at A3 categories ang may problema.
Una namang sinabi ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire na 50.74 million pesos na halaga ng COVID-19 vaccines ang tinatayang mag-expire sa katapusan ng Marso.