ISANG motorcade rally ang isinagawa ng mga taga-suporta ng PDP Laban senatoriables, na nagsimula sa Old Singcang Airport sa Bacolod City at nagtapos sa Valladolid Plaza sa Negros Occidental.
Ngunit hindi lang ito isang simpleng parada ng mga sasakyan—ito ay simbolo ng matibay na paninindigan at matinding pag-asa ng mga mamamayan para sa mga kandidatong ipinaglalaban nila.
Ramdam na ramdam ang hangaring magtagumpay ng mga taga-Negros para sa isang pamumunong tapat, malinis, at tunay na naglilingkod sa bayan.
Mainit na sinalubong ng mga Negrense ang ilang kandidato ng PDP-Laban, kabilang si Master Judea, ang kinatawan ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kasama rin nila sina Atty. Vic Rodriguez, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. JV Hinlo, at ilang lokal na opisyal mula sa munisipalidad ng Valladolid.
Binigyang-diin ng mga residente ng Negros Occidental na ang tapat at malinis na pamumuno ang pangunahing hinahanap nila sa mga kandidato.
At ayon sa kanila, natagpuan nila ito sa DuterTEN.
“Alam na alam mo ko naman po kung sino ang dapat nating iboboto. Nagse-serbisyo sila ng totoo at tunay at seryoso sila sa ating komunidad. Nakasasalay ang future ng mga kabataan sa ngayon at susunod,” wika ni Pitchie, Supporter.
Para sa isang senior citizen, hindi na sila magpapabudol pa sa mga kandidato ng kasalukuyang administrasyon.
Kaya naman, ang kanilang buong tiwala ay nasa DuterTEN lang.
“Makikita naman natin sa mga gawa ng gobyerno. Ngayon, makikita natin na ninanakaw lahat tapos hindi tama ang kanilang pamamalakad doon pa lang sa paghuli nila kay Tatay Digong. Tumulo ang luha namin dahil nakakaawa,” ani Bonifacio Castillo, Supporter.
Nabago na anila ang pananaw ng maraming Pilipino sa kasalukuyang administrasyon dahil sa pang-aabuso nito sa mga taong tumutuligsa sa kanilang bulok na sistema.
Nagiging daan ang kampanyang isinasagawa ng PDP-Laban senatoriables sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang higit na maunawaan ng mga botante ang plataporma at adbokasiya ng mga DuterTEN.
Kabilang dito ang plataporma ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, na isa-isang inilahad ni Master Judea sa mga Negrense, na nagbigay linaw sa mga isyung bumabalot sa kandidatura ng lider.
“Sa ating pag-iikot nakakatuwa kasi dahil tuwing tayo ay nagsasalita at ipinapaliwanag ‘yung mga plataporma at kung ano ang nangyari kung bakit maraming negatibong ibinabato kay Pastor Apollo C. Quiboloy ay talaga naman sila ay naliliwanagan. May mga kababayan tayo na lumalapit sa atin at nagso-sorry after natin maipaliwanag kung bakit nagkakaganito ang sitwasyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon kay Master Judea, Representative of Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement & Member, BANATEROS.
Ang isinusulong na zero corruption ni Pastor Apollo ay itinuturing na daan upang maging malinis ang pamahalaan ng Pilipinas.
Para sa mga kandidato ng PDP Laban, panahon na upang maging matalino ang bawat Pilipino sa pagpili ng mga lider.
Huwag anilang magpalinlang sa mga ayudang ipinamimigay ng mga politiko kapalit ng boto. Ito anila ang panahon upang itakwil ang mga pamumulitika at maglaan ng tamang pagkakataon para sa mga kandidato na may tunay na malasakit at hangaring maglingkod ng tapat sa bayan.
“I really hope na itong midterm election ay magkaroon ng paradigm shift ng mga mamamayang Pilipino hindi na lang nakukuha sa pera o ibinebenta ‘yung boto o ibinibili ‘yung pagkatao. Sana ito na ‘yung maging simula ng people revolution in a way na repormahin natin ‘yung sistemang elektoral na hindi nabibili o nabebenta ‘yung boto at hindi nakukuha sa AKAP o AICS o anumang ayuda,” saad ni Atty. Vic Rodriguez, Senatorial Candidate, PDP-Laban.
Ang tumatakbo sa pagka-gobernador ng Negros Occidental na si Wantan Palanca, na dati ring alkalde ng Victorias City, ay iginiit na hindi na dapat hayaang mamuno ang mga politikong inuuna lamang ang pansariling interes.
“Hindi puwedeng pabayaan ang bawat Pilipino ay kailangang magising, makialam at bumoto ng tama. Hindi na dapat puwedeng maulit. Minsan lang tayo nabubuhay sa mundo, bumoto tayo ng insakto,” ani Wantan Palanca.
Kaya naman panawagan ng PDP Laban:
“Ako ay humihingi ng tulong sa kanila na dalhin ang buong PDP-Laban straight ‘yung sampu lang, ‘yung sampu dapat Manalo,” ayon kay Atty. JV Hinlo, Senatorial Candidate, PDP-Laban.
Sa kabila ng mga pagsubok at isyung kinahaharap ng ilang personalidad na kanilang sinusuportahan, nananatili ang matibay na paninindigan ng mga taga-Negros Occidental.
Hindi anila matitinag ng paninira o panlilinlang ang kanilang tiwala sa mga kandidatong naninindigan para sa katotohanan at tunay na pagbabago.
Para sa kanila, ang tunay na laban sa halalan na ito ay hindi lamang tungkol sa mga pangalan o paminsang pangako, kundi laban para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
At sa kanilang paniniwala, ang pagpili ng mga kandidatong may busilak na layunin—tulad ng mga DuterTEN ng PDP Laban—ang magiging susi sa isang pamahalaang tunay na para sa bayan.