IPINAGDIWANG ng mga Pilipino at banyagang supporters ang kaarawan ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa labas ng ICC Detention Center sa The Hague, Netherlands.
Kabilang sa mga dumalo ay mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bansa na nagtipon upang magpaabot ng mainit na pagbati at suporta sa Butihing Pastor.
Ang selebrasyon ay naging makabuluhan dahil isinagawa ito malapit sa lugar kung saan kasalukuyang nananatili ang matalik niyang kaibigan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).
