NAMAHAGI ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur sa mga lumikas sa mga evacuation center dahil naiipit sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Base sa datos ng Mamasapano MDRRMO, umabot na sa isang libong pamilya ang apektado simula nang sumiklab ang giyera noong Abril 2.
Mula sa 14 na barangay sa buong bayan, nasa apat na barangay na ang apektado ng gulo.
Posible umanong gantihan ang naging ugat ng engkuwentro matapos tinambangan ng grupong BIFF ang sasakyan ng mga pulis ng Mamasapano kung saan isang pulis ang sugatan at nabatid na kaanak siya ng isang lider ng grupong MILF.