KINUMPIRMA ni Atty. Cesar Brillantes ang election lawyer ng mga dating kandidato na isinampa ang electoral protest nitong Agosto 17 sa COMELEC laban kay Manila City Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal.
Inanunsyo ni dating Councilor Pablo “Chikee ” Ocampo na ang dating kandidato sa pagka-konsehal ng District -3 sa Lungsod ng Maynila ay nagsampa ng paglabag sa Section 261, Omnibus Election Code o Batas Pambansa bilang 881 partikular na sa probisyon ng vote buying.
Ito ay laban sa Asenso Manileño na pinamumunuan ni Manila City Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, at mga tumakbong konsehal na sina Maile Atienza, Terrence F. Alibarbar, Johanna Maureen, Nieto Rodriguez, Joel Chua, Jhong Isip, at Timothy Oliver Razcal.
Habang ang mga petitioners na dating tumakbong konsehal sa District 3 sa Lungsod ng Maynila nitong 2022 National at Local elections ay sina Aileen Jimena Rosales, Joey Uy Jamisola, Bernie Manikan, at Ernesto V. Cruz, Jr.
Sinabi ni Atty. Cezar Brillantes, batay sa hawak nilang ebidensya talamak umano ang naganap na vote buying sa nakaraang 2022 election sa Lungsod ng Maynila.
Ayon din kay Brillantes dahil sa ito ay criminal offence kung mapatunayan na sapat ang ebidensya na lumabag sa batas ang mga inireklamo ay maaring mahaharap sa pagkakulong mula isang taon hanggang anim na taon.
Bukod sa pagkakulong meron din itong kaakibat na disqualification from holding office at maaring mawalan ng karapatan na bomoto ang mga nasasakdal.
Nanawagan din ang kampo ng mga petitioners sa COMELEC na mapadali ang pagpalabas ng kanilang resolusyon kaugnay sa isinampang nasabing electoral protest.
Samantala, para sa patas na pamamahayag, sinusubukan kunin ng SMNI ang panig ng Manila LGU at COMELEC kaugnay sa nasabing protesta ngunit hanggang sa kasalukuyan wala pang tugon ang mga ito kaugnay sa nasabing electoral protest.