Manila City mayoralty candidate Atty. Alex Lopez, namayagpag sa mga survey

Manila City mayoralty candidate Atty. Alex Lopez, namayagpag sa mga survey

 

NAMAYAGPAG si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) mayoralty candidate Atty. Alex Lopez sa isinagawang survey ng Manila Mayoralty Candidate Poll ng Far Eastern Research nitong Abril 7-14, 2022.

Si Lopez ang opisyal na kandidato ng BBM-Sara tandem sa Maynila ay nakakuha ng 20,064 o 65.63% ng kabuuang bilang ng mga boto.

Sumunod naman kay Lopez si Honey Lacuna na nakakuha ng 18.83% na sinundan naman ni Amado Bagatsing na nakakuha ng 15.33%, Elmer Jamias at Cristy Lim na pawang nakakuha ng 0.11%.

Ang naturang survey ay mayroong 30,571 respondents.

Bukod dito, nagsagawa rin ng isa pang hiwalay na survey ang Original Matang Manila for Charity Media (OMMCM) Est 2019, nitong April 9-19, 2022 na mayroong 20,000 kabuuang respondents.

Ang OMMCM ay isang volunteers group na nakabase sa lungsod ng Maynila kung saan muling nanguna si Lopez sa naturang survey na nakakuha ng 56%.

Samantala, ang nakuhang bilang ng boto ng ibang kandidatong alkalde na sina Honey Lacuna, 32%; Amado Bagatsing, 7%; Cristy Lim, 4%; at Elmer Jamias, 1%.

Maging sa naunang isinagawang survey ng OMMCM kamakailan, nakakuha rin si Lopez ng 58% ng may kabuuang 1,000 bilang ng mga respondents, 29% si Lacuna; at 13 % naman sa  undecided o di pa nakapagpasya.

Aminado rin si Lopez na isa sa mga dahilan kung bakit nagtiwala rin ang mga Manilenyo sa kanya ay ang pagbubulgar nito ng hindi tamang paggamit ng pera mula sa kaban ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at pagbebenta ng mga property na pag-aari mismo ng lungsod.

Samantala, inirereklamo rin ni Lopez ang pahirapang pagbibigay ng permit ng Manila LGU para sa nakatakda sanang grand rally sa lungsod ngayong Abril 23.

Follow SMNI News on Twitter