SIMULA Agosto 16, 2024, ang mga flight ng Manila-Kaohsiung ng CEB ay mag-o-operate ng tatlong beses sa isang linggo, tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Sinabi ng Cebu Pacific ang Kaohsiung ang magiging pangalawang destinasyon na pinapatakbo ng CEB sa Taiwan, na magbibigay sa mga pasahero ng higit pa sa abot-kayang pagpipilian upang bisitahin ang Taiwan.
Ang CEB ay lumilipad rin dalawang beses araw-araw sa Taipei, ang capital city and economic center ng Taiwan.
Mula Mayo 30 hanggang Hunyo 13, maaaring mag-book ang mga manlalakbay ng CEB ng mga flight papuntang Kaohsiung sa halagang PHP 1 one-way base na pamasahe, hindi kasama ang mga bayarin at mga surcharge. Ang panahon ng paglalakbay ay mula Agosto 16 hanggang Oktubre 25, 2024.