Manila LGU, magbibigay ng P500 allowance kada buwan sa mga batang may kapansanan sa lungsod

Manila LGU, magbibigay ng P500 allowance kada buwan sa mga batang may kapansanan sa lungsod

MAGBIBIGAY ng P500 kada buwan ang Manila local government unit (LGU) sa mga batang may kapansanan sa lungsod.

Ito’y matapos maipasa ng Manila City Council ang Ordinance No. 8543 na magbibigay ng buwanang ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Naniniwala naman si Manila 3rd District Councilor Pamela Fuguso na magkakaroon ito ng positibong epekto sa buhay ng mga batang Manilenyo at mababawasan ang pasanin ng kanilang mga pamilya.

Para naman sa gustong mag-avail ng ayuda, kailangan na nakarehistro sa lungsod ng Maynila ang magulang o guardian na isang person with disabilities (PWD) at kailangan din na residente ng lungsod sa loob ng anim na buwan at kailangang kasama sa master list ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter