HINIKAYAT ngayon ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, ang mga Manilenion na tangkilin ang iba’t ibang agrikultura mula sa Nueva Vizcaya ngayong November 17-18, 2022.
Aniya alamin at tangkilikin ang masarap at sariwa na mga produkto mula Nueva Vizcaya, mabibili ng mura sa Kartilya ng Katipunan sa lungsod ng Maynila sa gilid ng Manila City Hall.
Ito ay proyekto para matulungan ng pamahalaan ng probinsya ng Nueva Vizcaya at lungsod ng Maynila ang mga magsasaka ng Nueva Vizcaya na may iba’t ibang produkto ng agrikultura ng mga gulay at iba pa.