Metro Manila mayors, nais parusahan ang magpapa-booster shot vs COVID-19

Metro Manila mayors, nais parusahan ang magpapa-booster shot vs COVID-19

NAIS parusahan ng mga Metro Manila mayors ang mga magpapa-booster shot laban sa COVID-19.

Kasunod ng mga balita ng mga indibidwal na nagpapaturok ng COVID-19 vaccines bilang booster shot kahit hindi awtorisado.

Nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Council na naglalayong parusahan ang mga gagawa nito.

Kahapon, 17 alkade ng Kalakhang Maynila nilagdaan ang Resolution No. 21-18 na nanawagan sa lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila na gumawa ng isang ordinansa na magpaparusa sa sinumang gagamit ng mga binili ng pamahalaan na COVID-19 vaccines bilang booster shot.

“The Metro Manila Council hereby urges local government units of Metro Manila to issue executive orders and/or enact ordinances therein penalizing all persons who are found to be responsible for the unauthorized inoculation utilizing government-procured COVID-19 vaccines as booster shots such as, but not limited to, vaccinators, vaccinees, and facilitators, based on existing laws, ordinances, rules and regulations.”ayon sa Resolution No. 21-18.

Hinihimok rin ng resolusyon ang mga lokal na pamahalaan na ang mga ordinansa at executive order na magre-require sa mga binakunahan na ideklara sa vaccination form kung nakatanggap na sila ng COVID-19 vaccine.

Iminungkahi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng uniform na parusa laban sa mga indibidwal na lilipat ng ibang LGU para maturukan ng karagdagang dose ng bakuna na higit pa sa inirekomenda ng mga eksperto.

Kamakailan lang nagsampa ng kaso ang QC LGU laban sa dalawang tao na diumano’y nakatanggap ng  booster shot.

Ang isang violator ay napabalitang nagpabakuna noong Mayo sa Mandaluyong ng Sinovac bago nagparehistro sa vaccination program ng Quezon City sa pamamagitan ng kanyang kumpanya at nakatanggap ng COVID-19 vaccine ng Moderna nitong Agosto.

Ang panagalawang violator naman ay ipinagmalaki pa sa social media na nakatanggap ito ng booster shot gamit ang Pfizer.

Matatandaan naman na noong Hulyo, ibinunyag rin ni San Juan Representative Ronaldo Zamora na apat na beses siyang nabakunahan dalawang dose ng Sinopharm noong Disyembre at dalawang dose ng Pfizer ngayon taon.

Sa Israel, sinimulan na nito ang pagtuturok ng pangatlong dose ng bakuna sa mga indibidwal na mahigit 50 anyos.

Ngunit hindi pa pinahihintulutan ng Department of Health (DOH) ng bansa ang booster vaccination dahil maliban sa unstable na suplay ng COVID-19 vaccines, ani ng kagawaran wala pang sapat na mga pag-aaral na magpapatunay sa kaligtasan ng booster shots.

Sinabi naman ni MMC Chairman Benhur Abalos na kasama sa rin sa ipinagbabawal sa resolusyon ang paggamit ng mga biniling COVID-19 vaccines ng pribadong sektor bilang booster shot.

SMNI NEWS