Manila North Cemetery, puspusan ang paghahanda sa nalalapit na Undas

Manila North Cemetery, puspusan ang paghahanda sa nalalapit na Undas

PUSPUSAN na ang paghahanda ng pamunuan ng Manila North Cemetery para sa nalalapit na Undas.

Dumating na at pinuwesto na ang may 20 portaleta na ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Sementeryo del Norte.

Habang mahigit 80 mga naglalakihang mga barrier ang ibinaba na ng mga operatiba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Rocel Castańeda, OIC ng Manila North Cemetery, gagamitn ang mga barier   para ilatag sa bukana ng sementeryo para sa security check at para magsilbing gabay sa mga papasok at mga papalabas ng sementeryo.

Bukod pa rito ay may tinatayang 20 CCTV cameras ang nakalagay sa ilang mga estratehikong lugar, upang mabantayan o ma-monitor ang mga sitwasyon sa loob ng sementeryo.

Follow SMNI NEWS on Twitter