Manila North Port Passenger Terminal, patuloy na dinadagsa ng mga pasahero sa pagtatapos ng UNDAS

Manila North Port Passenger Terminal, patuloy na dinadagsa ng mga pasahero sa pagtatapos ng UNDAS

Tuluy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal hanggang kahapon Nobyembre 3, 2024.

Kumpara noong ika-02 ng Nobyembre 2024, mas marami ang mga pasaherong bumabiyahe sa mga sumunod na araw.

Humigit-kumulang 400 pasahero ang bumiyahe kahapon pabalik ng Maynila galing Cebu at Maynila patungong Davao at Gensan.

Samantala, umabot naman sa 550 biyahero ang sumakay ng mga barko mula Maynila papuntang Cebu at Cagayan, at Iloilo habang nag-aantay ang mga pasaherong galing Maynila na papuntang Davao at Gensan.

Nananatiling masusi ang pagbantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasahero upang maging ligtas, matiwasay, at komportable ang pagbiyahe sa karagatan ngayong Undas 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter