Manila Water, naglaan ng mahigit ₱158-M para sa pagtatayo ng lightning and surge protection system sa San Juan

Manila Water, naglaan ng mahigit ₱158-M para sa pagtatayo ng lightning and surge protection system sa San Juan

INANUNSYO ng Manila Water ang mahigit 158 milyong pisong proyekto na naglalayong palakasin ang proteksyon laban sa kidlat at electrical surges sa walong pangunahing pasilidad sa San Juan.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng kumpanya na tiyakin ang matatag at ligtas na serbisyo sa tubig para sa mga konsyumer.

Nakinabang mula sa proyektong ito ang Cubao Pumping Station, Balara PS 1 at 2, Maybunga PS, N. Domingo PS 1 at 2, Pasig PS, at San Juan PS 1 na pinalakas pang lalo ng makabagong sistema para maiwasan ang anumang klase ng pinsala.

Kabilang sa mga pangunahing bahagi ng proyekto na ito ay ang static dissipating air terminal lightning protection system, ransient voltage surge suppressors and upgraded grounding systems.

Samantala, patuloy naman ang pamumuhunan ng Manila Water sa modernisasyon ng imprastruktura na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paghahatid ng maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng tubig sa kanilang mga kosyumer—bumuhos man o hindi ang ulan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble