Manny Pacquiao, planong sumali sa 2024 Paris Olympics

Manny Pacquiao, planong sumali sa 2024 Paris Olympics

NAKIPAG-ugnayan ang kampo ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, para sa nais ng Pambansang Kamao na lumahok sa 2024 Paris Olympics.

Pero ayon kay Tolentino, hindi na kwalipikado na maglaro sa Asian Games sa susunod na buwan ang dating senador para mag-qualify sa Paris.

Ito ay dahil may age limit ang Asian Game na hanggang 40 years old lamang ang maaaring maglaro.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na maaaring mag-qualify si Pacquiao sa Paris Olympics sa pamamagitan ng dalawang Olympic qualifying tournament na itinakda sa una at ikalawang quarter ng 2024.

Si Pacquiao ay maaaring makakuha ng puwesto sa ilalim ng ‘universality rule’ na ibibigay ng IOC.

Ngunit mayroon lamang siyam na lugar sa ilalim ng universality sa Paris Games, lima para sa mga babae at apat para sa mga lalaki.

Nangako naman si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) chairman Ricky Vargas na tutulungan nito sa kaniyang qualification si Pacquiao.

Follow SMNI NEWS on Twitter