Maperwisyong oil spill, hindi sana lalawak kung may sapat na kagamitan ang Pilipinas—Pola LGU

Maperwisyong oil spill, hindi sana lalawak kung may sapat na kagamitan ang Pilipinas—Pola LGU

IGINIIT ng isang kongresista na dapat nang magkaroon ng sariling kagamitan ang bansa para sa pagtugon sa oil spill upang hindi umasa pa sa iba pang mga bansa.

Magdadalawang linggo na ay wala pa ring tigil ang paglilinis ng mga awtoridad sa mga namumuong langis sa karagatan at baybayin mula nang lumubog ang MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pola, hindi sana tatagal ang perwisyong naidudulot ng oil spill kung may sapat lang na kakayahan ang mga awtoridad na tugunan ang ganitong problema.

Pagbibigay-diin pa ni Pola Mayor Jennifer Cruz, ang paglalaan ng pondo sa Risk Reduction Management.

Pilipinas, dapat nang magkaroon ng sariling kagamitan vs oil spill – Cong. Umali

Para kay Oriental Mindoro 2nd District Representative Alfonso Umali, kinakailangan ng solidong tugon ng bansa pagdating sa oil spill para hindi na tayo mangangapa at mabubulaga.

Dagdag nito na dapat nang magkaroon ng sariling kagamitan ang Pilipinas para sa pagtugon sa oil spill upang hindi umasa pa sa iba pang mga bansa.

Paglilinis ng baybayin at karagatan dulot ng oil spill, wala pa ring tigil

Sa ngayon patuloy ang paglilininis ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang mga ahensiya sa tumagas na langis mula sa MT Princess Empress sa karagatan at mga baybayin.

Katuwang ng PCG ang Japan Disaster Relief Expert Team sa pagresolba sa oil spill na anilay nasa tamang direksiyon ang gobyerno sa pagtugon sa nasabing problema.

Batay sa update ng PCG, umabot na sa higit 6 na libong litro ng oily water mixture at higit 50 sako ng mga materyales na kontaminado ng langis ang kanilang nakokolekta sa kanilang offshore oil spill response operations.

Nasa higit 1,300 sako naman ng mga oil-contaminated materials at 22 drum ng langis ang  nakokolekta ng PCG sa mga baybayin ng 13 barangay ng Naujan, Bulalacao, at Pola, Oriental Mindoro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter