NANAWAGAN ngayon ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa sambayanang Pilipino na makiisa na mapangalagaan ang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Sinabi ni Arthur Cassanova, ang tagapangulo ng KWF na may 35 wika ang nanganganib na maglaho sa Pilipinas.
Gayunpaman aniya, ang KWF ay may mga ginagawang hakbang upang tuluyang maglaho ang wikang nanganganib na mawala.
Kagaya ng kanilang proyekto na tinatawag na “Bahay Wika”.
Ang “Bahay Wika” ay ang pagtatayo ng mga eskwelahan para sa mga katutubong mamamayan na ang wika ay malapit nang maglaho at doon nagtuturo ng wika ang mga nakatatanda sa mga kabataan.
Layunin nito na sa mga susunod na panahon ang mga kabataan na tinuturuan ay palalaganapin nila sa susunod na henerasyon.
At para makatulong upang iligtas ang mga nanganganib na wika na maglaho.
“Ang yaman po ang ating katutubong wika ay simbolo ng yaman ng ating kultura. Suportahan, pagalanapin, mahalin” ayon kay Dr. Arthur Cassanova, Tagapangulo, KWF.
Ang pahayag ni Cassanova ay kasunod sa isinagawang pagkilala o parangal sa mga ahensiya ng gobyerno na kinikilala at naabot ang pamantayan sa paggamit ng wikang Filipino.
Umabot sa 24 na kagawaran, LGUs at iba pang ahensiya ang binigyan ng parangal ng KWF.
Alinsunod na rin sa Atas tagapagganap 335 na nilagdaan noong administrasyon ng yumaong Pangulong Corazon Aquino.