Marawi Compensation Board, nagbayad ng mahigit P148 Milyon sa mga biktima ng 2017 Marawi siege

Marawi Compensation Board, nagbayad ng mahigit P148 Milyon sa mga biktima ng 2017 Marawi siege

IGINAWAD ng Marawi Compensation Board (MBC) ang mahigit Php 148,848,794.26 bilang kabayaran sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

Siyam na buwan na ang nakalipas mula nang simulan ng board ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga claim mula sa mga biktima ng Marawi siege.

Ang inihain na claims ay sumasaklaw sa Structural Property Claims (SPC), Death Claims (DC), Personal Property Claims (PC), at Other Property Claims (OPC), at Multiple Claim (MC).

Sinabi ni MCB Chairperson Atty. Maisara Dandamun-Latiph na ang Republic Act 11696 ay nagsisilbing tanglaw ng pag-asa para sa mga naapektuhan ng Marawi siege.

Ang nasabing halaga na iginawad noong Abril 30, 2024 ay ipinamahagi sa 86 Death Claims at 32 Structural and Personal Property Claims.

Matatandaang taong 2017 nang maging ground zero ang Marawi sa limang buwan na labanan sa pagitan ng government troops at Islamic State.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble