Marcos admin malabong magtagumpay sa war on drugs—Anti-Crime Group

Marcos admin malabong magtagumpay sa war on drugs—Anti-Crime Group

GUMULONG na sa Senado ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilegal na droga.

Dito, walang takot na inihayag ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales ang kaniyang nalalaman patungkol sa ibinigay na impormasyon ng confidential informant  kaugnay ng sinasabing paggamit ng isang “alyas Bonget” ng white powdery substance kasama ang artistang si Maricel Soriano sa isang condo unit sa Rockwell Makati City.

Dahil dito, nababahala ang grupong Anti-Crime and Community Emergency and Response Team (ACCERT) dahil, giit nila pangulo na ng bansa ang mismong sangkot dito.

“Nakakabahala ‘yun, isang malaking pagkabahala sa amin na dapat ito ay mabigyan ng tuldok at ma-clear dahil hindi siya puwedeng mamuno kung hindi mabigyan ng clearance ang kaniyang pangalan,” pahayag ni Edwin Maniti, Vice President for Operation, ACCERT.

“Dahil hindi niya puwedeng labanan o sugpuin ang isang malaking problemang ito sa ating bansa ang droga kung siya mismo ay naku-question ang kaniyang integridad patungkol dito,” dagdag pa ni Maniti.

Ayon kay Edwin Maniti, Vice President for Operations ng grupong (ACCERT), patunay rito ang patuloy na pagtaas ng naitatalang krimen ngayon sa bansa.

“Regarding sa question mo kung tumaas ang crime index eh tumataas sa ground.”

“Kami na nandito sa ground, sa grass roots nararamdaman namin na tumataas ang crime at lalo na ang drugs.”

“Kapag ikaw ay naglalakad ng gabi makikita mo na lantaran ang mga bilihan ng mga droga,” ayon pa kay Maniti.

Kaya naman hindi maiwasan ng grupo na ikumpara ang kasalukuyang administrasyon at ang panahon noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Sa comparison po talagang ang ating pangulo dati talagang 101% ang kaniyang war on drugs at wala siyang sini-sino, wala siyang tinatangi dun sa kaniyang polisiya na sugpuin ang malaking problemang ito sa ating lipunan,” dagdag pa ni Maniti.

Hindi rin nakikita ng grupo na seryoso ang Marcos administration pagdating sa usapin ng ilegal na droga.

“Wala, wala akong nakikitang serious, I’m sorry to say this pero wala akong na. Unang-una dun na lang sa pagkakahuli dun sa sinasabi nilang napakalaking bulto ng drugs doon sa Alitagtag Batangas, eh maraming question po doon noh,” ayon pa kay Maniti.

Kaya naman hamon ngayon ng grupo kay Pangulong Marcos, sumailalim ito sa isang honest drug tests.

“Sa tingin ko ang pinakamagandang gawin ng ating pangulo dito ay magkaroon ng isang honest to goodness na drug test sa kaniya at nang sa gayon maalis ang pagdududa ng mga tao,” aniya Maniti.

Maliban dito, iminungkahi rin nila na dapat isama sa requirements sa mga kakandidato tuwing election ang drug testing.

“Yes, definitely actually ‘yan ang isa sa dapat kailangang baguhin ng ating Saligang Batas, kailangan idagdag ang requirement na ito sa lahat ng mga papasok sa public service, sa mga kandidato mula sa pinakamataas hanggang sa pinaka mababang posisyon ng gobyerno, lahat sila ay mag-submit ng honest drug test,” saad pa ni Maniti.

Ang grupong ACCERT ay nabuo noong taong 2016 kasabay ng pagtakbo sa pagkapangulo ng noo’y Mayor ng Davao na si Dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble