NANALO bilang pangulo ng bansa si Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil sa mga tagasunod ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Naging ka-tandem pa ni Marcos Jr. noong 2022 elections si Vice President Sara Duterte, ayon kay Atty. Salvador Panelo, kung kaya’t naging tiyak ang pagkapanalo nito.
Sa limang presidential candidates din noong nakaraang national elections ay tanging si BBM lang ang nangako na ipagpapatuloy nito ang legasiya ni FPRRD.
Samantala, ayon kay Panelo, upang manatili sa kapangyarihan ang pamilya Marcos ay sinisiraan na nila ang mga Duterte.