KAUNA-unahang local ambassador para sa Italian professional cosmetics brand na Kiko Milano ang primetime queen na si Marian Rivera.
Ibinahagi ito mismo ng aktres sa kaniyang Instagram post.
Sa katunayan ay iniimbitahan pa ni Marian ang publiko na tumungo sa flagship store ng Kiko Milano sa SM Mall of Asia ngayong Hulyo 21 para sa isang event ng brand.
Naitayo ang Kiko Milano sa Italy noong 1997.