Marian Rivera, gaganap bilang guro sa pelikulang “Balota”

Marian Rivera, gaganap bilang guro sa pelikulang “Balota”

GAGANAP ang aktres na si Marian Rivera bilang guro sa upcoming Cinemalaya Film na may pamagat na “Balota”.

Si Marian ang mismong nagbahagi nito sa kaniyang social media account.

Aniya pa, excited siya sa kuwento ng “Balota” at maging sa kaniyang magiging kasama sa pelikula.

Sentro sa Cinemalaya Film na ito si Marian na isang guro na dala-dala ang isang ballot box habang tumatakbo nang magkaroon ng kaguluhan sa kanilang bayan.

Sa Agosto 2-11 ang Cinemalaya Film Festival ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble