SA third pa lang ng kanilang boxing match, tinalo na ng Pinoy boxer Mark Magsayo aka Magnifico ang kalabang Mexicano na si Isaac Avelar.
Ginawa ang debut ni Magsayo sa super featherweight division sa Long Beach sa California linggo ng umaga.
Sa laro, pinakawalan ni Magsayo ang isang left hook na tumama sa baba ni Avelar dahilan para ma-knockout ito.
Ipinagdasal naman ni Magsayo na magiging ligtas si Avelar matapos ang laro.
Aniya, magkalaban man sila sa loob ng ring pero bilang mga boksingero sa labas ng ring ay magkapatid sila na parehong lumalaban para sa kani-kanilang pamilya at bansa.
Sa ngayon ay hawak ni Magsayo ang 25-2 win-loss record kabilang na rito ang 16 na knockouts.