NAKAPAG-detect ng mas madalas na seismic activity ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon.
Nagsimula anila ito noong Hunyo 24 kung saan nagkaroon ng hanggang 102 volcanic earthquakes sa 24-hour monitoring sa pagitan noong Hunyo 25 – 26, 2023.
Sa 4pm update naman ng PHIVOLCS nitong Hunyo 26, umabot na sa 100 volcanic earthquakes ang naitala sa pagitan pa lang ng 5am – 3pm monitoring ng ahensiya.
Sa kabila rito ay nananatiling Alert Level 3 pa rin ang status ng Bulkang Mayon.
Ipinaalala ng PHIVOLCS, nararapat na mananatiling evacuated ang 6-km radius permanent danger zone.