Mas mahigpit na parusa sa perjury, ipinanawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano

Mas mahigpit na parusa sa perjury, ipinanawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano

NANAWAGAN si Senator Alan Peter Cayetano ng mas mabigat na parusa laban sa perjury.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan matapos bawiin ni Jhudiel Osmundo Rivero, isa sa 10 sundalo na pumatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ang testimonya na ibinigay niya sa imbestigasyon ng Senado.

Paliwanag ni Cayetano, sa ibang estado sa U.S. ay maihahalintulad ang kasong perjury sa malalaking krimen.

Iminumungkahi niya na palakasin ang perjury sa bansa upang magkaroon ng katiyakan na maparurusahan ang nagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa.

Ang mungkahi ni Cayetano, sinang-ayunan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Francis Tolentino na nagsabing napapanahon na itong palakasin laban sa mga nagbibigay ng maling testimonya.

SP Zubiri, Tolentino, suportado ang panawagan ni Cayetano para sa mas mabigat na parusa sa perjury

Nagpahayag ng suporta sina Senate President Miguel Zubiri at Senator Francis Tolentino bilang tugon sa panawagan ni Cayetano.

“I totally agree that we must toughen our laws on perjury. … I am in favor of increasing the penalties and the jail time because it’s becoming a norm now. It’s about time just like in the US that when you give an affidavit, that’s it. When you recant it, perjury charges will be filed against you,” wika ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senate President.

Pinasalamatan naman ni Tolentino si Cayetano sa pagtalakay sa isyu. Sumang-ayon din siya na marapat nang pabigatin ang parusa sa perjury.

 “It’s about time that we either amend our rules to make it more strict in so far as the treatment of witnesses acting with malice and malicious intent, and lying in violation of several articles of the Revised Penal Code,” saad ni Sen. Francis Tolentino, Chair, Committee on Justice.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter