Mas mahirap makitungo sa Ukraine kaysa sa Russia—Trump

Mas mahirap makitungo sa Ukraine kaysa sa Russia—Trump

BINIGYANG-diin ni U.S President Donald Trump, na mas nahihirapan siyang makitungo sa bansang Ukraine kumpara sa Russia.

360-degree ang pagbabago ng pamamalakad ng bagong administrasyon ngayon ng Estados Unidos kung ikumpara sa panahon ni Former U.S. President Joe Biden ay tila Ukraine lang ang sinuportahan nito.

Ngayon, binabalanse ni Trump ang pakikitungo sa Ukraine at Russia ngunit sa pakikipag-ugnayan nito sa dalawang magkalabang bansa, napansin niyang mas mahirap pakitunguhan ang Ukraine.

“They’re in a very unusual position—they don’t know how to end the war. I think I do know how to end the war,” pahayag ni Donald Trump, President, United states.

“I find that is of getting a final settlement, it’ll be easier dealing with Russia which is surprising because they have all of the cards and they’re bombing the hell out of them right now,” ayom pa kay Trump.

“I’m finding it more difficult frankly to deal with Ukraine,” aniya pa.

Nang tanungin naman si Trump sa kung sa tingin ba niya’y pinagsasamantalahan ng Russia ang polisiya ngayon ng Amerika, sagot nito, sa tingin niya ginagawa lang ng nasabing bansa kung ano rin ang posibleng gawin ng iba.

“I actually think he’s doing what anybody else would do. I think he’s uh, I think he wants to get it stopped and settled, and I think he’s hitting them harder than he’s been hitting them, and I think anybody in that position would be doing that right now,” paliwanag pa ng Pangulo ng Amerika.

Ang Estados Unidos ay ang pinakamalaking nag-iisang donor sa Ukraine, ang bansang labis na napinsala dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan nito at ng Russia.

Ayon sa datos ng Kiel Institute for the World Economy, isang German think tank, hindi bababa sa tumataginting na  $123B ang naipadala na ng U.E na tulong sa Ukraine mula pa nang sumiklab ang digmaan noong 2022.

Ngayon, tila luging-lugi ang kasalukuyang U.S. President dahil sa napakalaking tulong na ibinubuhos nito sa Ukraine.

“Way down the line is the money. So we’re in for $350B and Europe is in for a $100B—they should be in for the same or more than us,” aniya pa.

Giit ni Trump, winaldas ni Biden ang pera ng Estados Unidos.

“Biden gave away money like it was water with no anything—got nothing for it. They just kept handing money out because he was grossly incompetent,” pagbibigay-diin ni Trump.

Samantala, iginiit din ni Trump na hindi pa siya kumbinsido kung gusto nga ba talagang ayusin ng Ukraine ang gulo sa pagitan nito at ng Russia.

“Because I have to know that they want to settle. I don’t know that they want to settle. If they don’t want to settle, we’re out of there because we want them to settle and I’m doing it to stop death, more important than anything else,” paliwanag ni Trump.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble